top of page

MGA RESIDENTE NG MAGUINDANAO DEL SUR, TUMANGGAP DIN NG TULONG MULA SA AICS AT TANGGAPAN NI SEN. BONG REVILLA JR

iMINDSPH



Mula sa Maguindanao del Norte, namahagi rin ng tulong si Sen. Bong Revilla Jr sa mga residente ng Maguindanao del Sur. Ito ay sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation Payout.



Nagtungo rin sa Maguindanao del Sur si Senator Bong Revilla Jr para sa AICS Payout ng DSWD katuwang ang tanggapan ng senador at ang provincial government ng Maguindanao del Sur sa ilalim ng pamumuno ni Governor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu.



Isinagawa ang programa sa Datu Abdullah Sangki Sports Complex, araw ng Lunes, September 30.



Layunin ng nasabing Programa ang makapagbigay ng serbisyong pinansiyal para sa lahat lalong lalo na sa mga mamamayan ng Probinsya ng Maguindanao Del Sur mula sa iba't ibang sektor tulad ng LGBTQ+, Ustadz, Barangay Health Workers (BHWs) at Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs).



Kasama ng senador sa programa si Gov. Bai Mariam Sangki Mangudadatu, Mayor Suharto Alwali Mangudadatu.



Dumalo din sina Board Member Bobby Midtimbang, Taharudin Mlok at Andrew Bangkulit para suportahan ang programa.



Opmerkingen

Beoordeeld met 0 uit 5 sterren.
Nog geen beoordelingen

Voeg een beoordeling toe

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page