iMINDSPH
Tinanggap ng mga benepisyaryo ng TUPAD Program mula sa barangay Nekitan, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte ang kanilang sahod matapos ang ilang araw na trabaho.
Tinanggap ng mga benepisyaryo ng TUPAD program sa barangay ng Nekitan, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte ang cash assistance na mula sa tanggapan ni Senator Cynthia Villar sa ilalim ng community-based package assistance sa ilalim ng DOLE TUPAD Program.
Isinagawa ang distribusyon ng kanilang sahod, araw ng Miyerkules. Sila ang mga low-income earning workers mula sa nasabing barangay.
Naisakatuparan ang pamamahagi muli ng tulong dahil sa inisyatibo ni Mayor Datu Lester Sinsuat na makalikom ng tulong mula sa mga Programa ng gobyerno na ibinababa ng alkalde, Vice-Mayor Datu Sajid Sinsuat,Alhadj at ng One Maguindanao Vice-Governor Elected Bai Ainee Sinsuat.
Comments