top of page

Mga tagumpay, plano at prayoridad ng provincial government ng Maguindanao del Norte, inilahad ng mga department head kay Governor Datu Tucao mastura sa presentation ng accomplishment reports

  • Diane Hora
  • Feb 2
  • 1 min read

iMINDSPH


Bilang pagpapalakas ng transparency at maayos na pamamahala, matagumpay na isinagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Maguindanao del Norte ang presentasyon ng accomplishment reports para sa Hulyo–Disyembre 2025 at ang mga plano at prayoridad para sa unang kwarter ng 2026.


Inilatag ng mga department head ang kanilang accomplishment report kay Governor Datu Tucao Mastura, provincial administrator Datu Sharifudin Tucao Mastura, kasama si provincial chief of staff Bai Shajida Mastura, katuwang ang mga miyembro ng Technical Working Group (TWG) ng pamahalaang panlalawigan.


Sa presentasyon, isa-isang inilahad ng bawat departamento at kagawaran ang kanilang mga nagawa sa ikalawang kalahati ng 2025—mula sa pagpapatupad ng mga programa hanggang sa pagresolba ng mga hamong kinaharap sa serbisyo publiko.


Kalakip nito ang pagtalakay sa mga planong programa at aktibidad para sa unang tatlong buwan ng 2026, na naglalayong tiyakin ang tuloy-tuloy at episyenteng paghahatid ng serbisyo sa mga mamamayan.


Ayon sa pamahalaang panlalawigan, mahalaga ang ganitong proseso upang mapalakas ang pagpaplano at koordinasyon sa loob ng mga tanggapan, maiayon ang mga inisyatiba sa aktuwal na pangangailangan ng komunidad, at masiguro ang pananagutan ng bawat yunit ng gobyerno.


Binigyang-diin din na ang mga programa at target para sa 2026 ay nananatiling nakaangkla sa Development, Transformation, and Opportunities for Maguindanao del Norte (DTOM).


Sa kabuuan, ipinakita ng presentasyon ang malinaw na direksyon ng kasalukuyang administrasyon: isang pamahalaang bukas sa pagsusuri, handa sa pagpaplano, at nakatuon sa konkretong resulta para sa patuloy na kaunlaran ng Maguindanao del Norte.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page