MGA WANTED PERSON, TIMBOG sa pinaigting na police operations sa South Cotabato; Ilang suspek, nahuli sa bisa ng warrant of arrest at anti-smuggling operation
- Apr 10
- 1 min read
iMINDSPH

Sa South Cotabato—
Arestado ang ilang wanted persons sa mas pinaigting na operasyon ng pulisya. Ang mga naarestong suspek ay may kinakaharap na kaso, kabilang ang dalawa (2) na itinuturing na Most Wanted Persons Municipal level.
Isinagawa ang serye ng operasyon ng South Cotabato Police Provincial Office katuwang ang iba pang law enforcement agencies.
Sa naturang operasyon, matagumpay na naaresto ang mga wanted persons sa bisa ng warrant of arrest, habang dalawa (2) pang indibidwal ang nadakip sa hiwalay na anti-smuggling operation kaugnay ng iligal na bentahan ng smuggled cigarettes.
Agad na inaresto ang mga suspek sa magkakahiwalay na operasyon, at sila ay nasa kustodiya na ng mga awtoridad para sa kaukulang disposisyon.
Ipinaalam sa mga suspek ang kanilang mga karapatan at kasalukuyang inihahanda ang mga kaukulang kaso laban sa kanila



Comments