iMINDSPH
Arestado rin ng Criminal Investigation and Detection Group Regional Field Unit BAR ang isa pang miyembro ng MILF sa ikinasang firearms buy-bust operation sa Marawi City, Lanao del Sur. Nakuha sa posesyon nito ang dalawang baril at mga bala.
Tiklo si alyas “Shawie” na ayon sa CIDG RFU BAR ay nagpakilalang miyembro ng MILF sa ikinasang firearms buy-bust operation sa Poblacion Marawi City, Lanao del Sur, kahapon, araw ng Lunes, September 30.
Nakuha sa posesyon nito ang isang caliber 5.56mm Rifle na may serial number 199205, isang Taurus G3C 9x19 caliber 9mm Pistol na may serial number AEM 904533, isang 20 rounder magazine ng caliber 5.56mm, anim na bala ng caliber 5.56mm, tatlong magazine ng caliber 9mm, Taurus gun case at Marked Money
Ang buy-bust operation partikular ang pagsagawa ng inventory ay sinaksihan ni Barangay Kagawad Nafizah Miguel ng Población, Marawi City, Lanao Del Sur.
Nasa CIDG RFU BAR Lanao Del Sur PFU Office na ang naarestong indibidwal para sa documentation at proper disposition.
Haharap ito sa kasong paglabag sa Section 32 ng RA 10591 o ang Unlawful Sale of Firearms and Ammunitions.
Kasama ng CIDG RFU BAR sa operasyon ang mga elemento ng Marawi City Police Station.
Comments