Military Pension Law, isa sa mga inilatag na usapin ni DND Secretary Gilbert Teodoro sa pagbisita nito sa 6th Infantry Division
- Diane Hora
- Sep 8
- 1 min read
iMINDSPH

Nagpapatuloy umano ang hakbang ng pamahalaan upang muling suriin at rebisahin ang military pension law. Layunin nito na higit pang mapaangat ang kapakanan at moral ng mga sundalo at kanilang pamilya ayon sa kalihim.
Ito ang ibinahaging impormasyon ni DND Secretary Gilbert Teodoro sa mga sundalo ng 6th ID sa pagbisita nito araw ng Sabado, September 6.
Dumating sa Kampilan Division ang kalihim at inilatag ang direktiba sa mga sundalo na tiyakin ang seguridad at integridad ng 2025 BARMM Parliamentary Elections
Kasama ni Secretary Teodoro sa pagbisita nito sa Kampilan Division si AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr., Philippine Army Commanding General Lt. Gen. Antonio Nafarrete, Acting Commander ng Western Mindanao Command Brig. Gen. Romulo Quemado II, at 1st Infantry Division Commander Maj. Gen. Yegor Rey Barroquillo Jr.
Ang pagbisita at Command Conference ay hindi lamang nagpatibay sa mga direktiba ukol sa kahandaan para sa eleksyon, kundi nagsilbi ring inspirasyon ayon sa 6th ID sa mga sundalo sa pamamagitan ng katiyakang may buong suporta ng pamahalaan sa kanilang tungkulin.
Binigyang-diin ng Kalihim na mahalaga ang papel ng mga sundalo sa pagpapanatili ng kapayapaan at pagpapaunlad sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), lalo na sa panahon ng makasaysayang halalan.



Comments