Ministry of Basic, Higher and Technical Education namahagi ng mga elarning materials sa 60 na paaralan sa Tawi-tawi sa pangunguna ni Minister Mohagher Iqbal
- Diane Hora
- Feb 2
- 1 min read
iMINDSPH

Naghatid at namahagi ng learning materials ang Ministry of Basic, Higher and Technical Education o MBHTE, sa pangunguna ni Minister Mohagher Iqbal, sa Schools Division ng Tawi-Tawi na isinagawa mula noong January 27 hanggang 30, 2026.
Saklaw ng distribusyon ang mahigit animnapung (60) pampubliko at pambansang paaralan, kabilang ang mga elementary schools, primary schools, at national high schools sa iba’t ibang bayan at isla ng lalawigan. Layunin ng inisyatiba na masigurong may sapat at napapanahong kagamitang pampagkatuto ang mga mag-aaral, lalo na sa mga liblib at island municipalities.



Comments