Minivan na ginamit sa pananambang kay Shariff Aguak Mayor Akmad Ampatuan, walang rekord sa LTO
- Diane Hora
- Jan 28
- 1 min read
iMINDSPH

Walang rekord sa LTO ang mini van na ginamit ng mga suspek sa pananambang kay Shariff Aguak Mayor Akmad Ampatuan.
Ito ang natuklasan ng Highway Patrol Group sa ginanap na press briefing kaninang umaga.
Habang ang plate number naman na ginamit ay nakarehistro sa Hyundai Porter double cab dropside 2000 model, kulay puti ay nakapangalan kay Kim So Jun at naka address sa Misamis Oriental, Cagayan de Oro, Region 10.
Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng HPG upang matukoy ang pagkakakilanlan ng taong nagbabayad ng OR at registration ng sasakyan
Dagdag ni PNP PRO BAR Regional Director Police Brigadier General Jaysen de Guzman..
PBGEN Jaysen De Guzman
(So baka nagkaroon ng switching ng plates sa ito. Kaya ang ating HPG, sila'y mag-e-exert ng effort.Kaya nga with that chassis number, kumbaga 'yan 'yung pinaka-birth certificate ng sasakyan natin.And ah looking at all these vehicles na nandito, as experience coming from Region 10, mga imported ito na ipinapasok dito.Right hand vehicle siya mga 'yan. Right hand drive. And then it's being converted to left hand.
And after mai-convert 'yan, 'yan ah ibinebenta rito which nirere-registered muna sa ating LTO. So 'yan 'yung vehicle na 'yan.)



Comments