Misis, patay sa pamamaril sa Rajah Buayan, Maguindanao del Sur
- Teddy Borja
- Oct 13
- 1 min read
iMINDSPH

Patay ang isang misis habang nakaligtas naman ang mister nito sa pamamaril sa Barangay Sapakan, Rajah Buayan sa Maguindanao del Sur.
Ang biktima ay residente ng Barangay Damatulan, Nabalawag, SGA.
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, mag aalas 3:30 ng hapon, araw ng Biyernes, October 10, habang sakay ng payong-payong ang biktima kasama ang mister nito na si Abedin Mudal, at binabaybay ang provincial road ng Barang Sapakan, Rajah Buayan, Maguindanao del Sur ay bigla na lamang pinagbabaril ng mga di pa tukoy na suspek na sakay din ng motorsiklo.
Nakaligtas naman ang mister nito.
Agad na rumesponde ang mga pulis at kinordon ang lugar.
Narekober sa crime scene ang isang basyo ng bala mula sa hindi pa natutukoy na kalibre ng baril.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa krimen upang matukoy ang suspek at motibo ng pamamaril.



Comments