top of page

Miyembro ng CAFGU, arestado sa isang checkpoint sa Datu Unsay, Maguindanao del Sur dahil sa paglabag sa COMELEC Gun Ban

  • Teddy Borja
  • Sep 3
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Hinuli ang isang miyembro ng CAFGU dahil sa paglabag sa COMELEC Gun Ban.


Kinilala ang CAFGU member sa alyas na “Datu”, 24-anyos at nakadestino sa Alpha Company ng 90IB.


Ito ay residente ng Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao del Sur.


Arestado ito araw ng Miyerkules, September 3, alas 11:40 ng umaga.


Sa imbestigasyon ng awtoridad, nagsagawa ng joint checkpoint sa lugar nang mahulihan umano ito ng Caliber .45 na baril at pitong bala.


Bigo ang CAFGU member na makapagpresenta ng legal na dokumento kaya hinuli ito.


Nasa kustodiya na ng Datu Unsay MPS ang CAFGU member at nakumpiskang baril gayundin ang pag-aari nitong motorsiklo para sa proper documentation.


Nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa RA 10591 at paglabag sa COMELEC Gun Ban ang CAFGU member.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page