top of page

Miyembro ng Dawlah Islamiyah na sumuko sa militar, arestado ng awtoridad matapos madiskubre na ito ay nahaharap sa kasong murder at attempted murder

  • Teddy Borja
  • Oct 22
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Naaresto ng mga tauhan ng 1005th Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 10, kasama ang Munai Municipal Police Station, Balo-i Municipal Police Station, Provincial Intelligence Unit ng Lanao del Norte Police Provincial Office, at ang Regional Intelligence Division, sa pakikipag-ugnayan sa 44th Infantry Battalion, 1st Infantry Division, Philippine Army, ang isang most wanted individual sa operasyon na isinagawa sa Barangay Nangka, Balo-i, Lanao del Norte, araw ng Martes, Oktubre 21, 2025.


Kinilala ang suspek bilang si alias “Waki”, 19 taong gulang, may asawa, walang trabaho, at residente ng Barangay Talao, Piagapo, Lanao del Sur.


Siya ay nakalista bilang Priority Suspect Regional Level No. 9 at kabilang sa Top 3 Regional Most Wanted Persons.


Kumpirmado rin na ito ay kasapi ng Dawlah Islamiya–Maute Group.


Ayon sa ulat, kusang sumuko si alias “Waki” sa 44th Infantry Battalion, kaya agad na ipinaalam ng yunit sa mga kinauukulang awtoridad ang kanyang presensya.


Sa beripikasyon, natukoy na ito ay may Warrant of Arrest para sa 2 counts ng Murder at Attempted Murder.


Walang inirekomendang piyansa para sa dalawang kaso ng Murder, habang ₱120,000.00 naman ang itinakdang piyansa para sa Attempted Murder.


Batay sa mga rekord, sangkot umano ang suspek sa pag-ambus sa dalawang sundalo mula sa Intelligence Platoon ng 51st Infantry Battalion, Philippine Army, na naganap sa Barangay Lininding, Munai, Lanao del Norte, noong hapon ng Enero 3, 2024.


Dahil sa mga konsiderasyong pangseguridad at operasyon, nananatili ang kustodiya ng akusado sa 44th Infantry Battalion.


Pinuri ni PBGEN Christopher Abrahano, Acting Regional Director ng PRO 10, ang mahusay na koordinasyon at mabilis na pagkilos ng mga yunit na lumahok sa operasyon.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page