top of page

Modernisasyon sa land transporation sa BARMM, tinalakay sa stakeholders forum ng MOTC

  • Diane Hora
  • Jan 14
  • 1 min read

iMINDSPH


Pinangunahan ang forum ni Minister Termizie Masahud, na binigyang-diin ang kahalagahan ng paglipat sa mas episyente at makakalikasang sistema ng transportasyon bilang tugon sa lumalaking pangangailangan ng rehiyon.


Ayon sa ministry, ang stakeholders’ forum ay bahagi rin ng kasalukuyang Feasibility Study para sa Public Transportation Modernization Program (PTMP) ng BLTFRB. Layunin nitong mangalap ng pananaw at rekomendasyon mula sa iba’t ibang sektor upang mas maayos na maiplano at maipatupad ang mga programang pang-transportasyon sa BARMM.


Dinaluhan ang forum ng iba’t ibang resource speakers, discussants, audience, at reactors mula sa mga ministry ng Bangsamoro Government, transport sector, environmental experts, Persons with Disability Office (PDAO), Office of the Senior Citizen, at ng One MOTC. Sa talakayan, binigyang-diin ng mga tagapagsalita ang kahalagahan ng inklusibong pag-angkop at maingat na pagpaplano sa modernong panlupang transportasyon upang matiyak ang benepisyo nito sa lahat ng sektor ng lipunan.


Matagumpay na nagtapos ang unang yugto ng forum na may bukas na pananaw at mas malinaw na direksyon tungo sa isang makabago, ligtas, at sustenableng sistema ng panlupang transportasyon para sa Bangsamoro.


Isinagawa ang stakeholders’ forum noong Disyembre 13, 2025, sa Davao City.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page