MOH BARMM, bukas sa pagtanggap ng applikasyon para sa posisyon ng 42 nutritionist-dietitian
- Jan 27
- 1 min read
iMINDSPH

Nag-anunsyo ng job openings ang Ministry of Health – BARMM sa ilalim ng Nutrition Division, bilang bahagi ng pagpapalakas ng mga programa at serbisyong pangnutrisyon sa iba’t ibang lalawigan at lungsod sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Ayon sa anunsyo, nangangailangan ng 7 nutritionist-dietitian I at 35 na nutritionist-dietitian II.
Layunin ng hiring na mapalawak at mapahusay ang implementasyon ng mga nutrition programs sa rehiyon, lalo na sa antas ng komunidad.
Ito ay Contract of Service at ang area of assignment ay sa mga lalawigan at lungsod sa BARMM.
Ang deadline ng aplikasyon ay hanggang February 6, 2026
Hinihikayat ang mga kwalipikadong aplikante na isumite ang kumpletong requirements sa pamamagitan ng online link na makikita ninyo sa inyong screen.
Para sa mga katanungan, maaaring mag-email sa: ndmoh.recruitment@gmail.com
Maaari ring bisitahin ang link na ito para sa karagdagang detalye tungkol sa mga kwalipikasyon at requirements sa https://bit.ly/NutritionistHiringDetails
Paalala ng MOH–BARMM: Tanging mga aplikasyong may kumpletong requirements lamang ang ipo-proseso.



Comments