MOLE at BJMP BARMM, pinalakas pa ang kolaborasyon para suportahan ang mga persons deprived of liberty
- Diane Hora
- Oct 22
- 1 min read
iMINDSPH

Personal na bumisita ang bagong talagang Jail Warden ng Bureau of Jail Management and Penology-Male Dormitory, na si Jail Superintendent Reuben Olivo, kay Ministry of Labor and Employment Minister Muslimin “Bapa Mus” Sema, upang ipahayag ang kanilang buong suporta sa mga programa at inisyatibo ng MOLE at ng BARMM Government.
Tinalakay sa courtesy call ang pagpapalalim pa ng ugnayan at pagtutulungan para sa mas makataong pangangalaga, rehabilitasyon at personal at pang-ekonomiyang pag-unlad ng mga Persons Deprived of Liberty o PDLs.
Layunin nito ang pagpapabuti ng pamamahala sa mga kulungan at mga programa para sa repormasyon.
Ayon kay Minister Sema, bukas ang MOLE sa pagtulong sa mga PDL upang maisakatuparan ang kanilang karapatang bumuo ng mga asosasyon at mga pagsasanay na may kaugnayan sa kanilang kabuhayan tulad ng paggawa ng mga produkto at handicrafts habang sila ay nasa kulungan.
Ang pulong na ito ay isang simula ng positibo at produktibong kolaborasyon sa pagitan ng MOLE at BJMP, na naglalayong bigyan ng mas maayos na kinabukasan ang mga PDL—hindi lamang habang nasa loob ng kulungan kundi maging sa kanilang pagbabalik sa lipunan.



Comments