MOLE BARMM at LGU Jolo, magkakasa ng 2-day Job Fair para mga taga Sulu na naghahanap ng trabaho sa mainland employers mula sa pribadong sektor
- Diane Hora
- Aug 5
- 1 min read
iMINDSPH

Magtutulungan ang MOLE at LGU Jolo sa two-day job fair na gaganapin sa Agosto 27–28, 2025.
Layunin ng hakbang na mapag-ugnay ang mga taga-Sulu na naghahanap ng trabaho sa mga mainland employers mula sa pribadong sektor, bilang tugon sa matagal nang hamon sa kawalan ng trabaho sa lalawigan.
Sa isinagawang courtesy visit sa tanggapan ni Jolo Municipal Mayor Edsir Tan noong July 21, muling tiniyak ni Ministry of Labor and Employment (MOLE) – Sulu Provincial Head Jemimah Amin-Ilaji ang buong suporta ng ministry sa naturang inisyatibo.
Binanggit din ni Amin-Ilaji ang mahalagang collaborative role ng MOLE upang matiyak ang tagumpay ng job fair, na pamumunuan ng Lokal na Pamahalaan ng Jolo.



Comments