MOLE-BARMM, magsasagawa ng Job Fair, bukas, January 22, 2026 sa bayan ng Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte para sa Bangsamoro Foundation Day 2026
- Jan 21
- 1 min read
iMINDSPH

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-7 anibersaryo ng Bangsamoro Foundation Day, magsasagawa ng Job Fair ang Ministry of Labor and Employment o MOLE-BARMM upang mailapit ang mga oportunidad sa trabaho sa mamamayan.
Isasagawa ang Job Fair sa Enero 22, 2026, araw ng Huwebes, sa Provincial Gymnasium, Sultan Kudarat.
Inaanyayahan ang mga aplikante na maghanda at magdala ng mga kinakailangang dokumento tulad ng updated resume, valid ID, at iba pang papeles na kailangan sa aplikasyon upang mas mapabilis ang proseso ng pag-aapply.



Comments