MOLE, inayos ang isang labor dispute sa pagitan ng isang cook at catering service sa Cotabato City
- Diane Hora
- Oct 29
- 1 min read
iMINDSPH

Sa pagsusumikap ng Ministry of Labor and Employment sa pangangalaga ng karapatan ng mga manggagawa sa Bangsamoro region, isang labor dispute ang matagumpay na naresolba ng Ministry.
Nitong October 27, matagumpay na naayos ng Bureau of Labor Relations and Standards ng MOLE ang labor dispute sa pagitan ng isang cook o kusinero at isang local catering service sa Cotabato City.
Sa report ng MOLE, ang manggagawa, na nagsilbi ng labinlimang taon sa kompanya, ay humingi ng tulong sa MOLE matapos umano siyang tanggalin sa trabaho.
Sa pamamagitan ng interbensyon ng MOLE, matagumpay na naresolba ang kaso at naibigay sa manggagawa ang kanyang separation pay na nagkakahalaga ng ₱90,000.
Ang matagumpay na pagresolba ng ganitong mga kaso ay patunay sa patuloy na pagsisikap ng MOLE na ipatupad ang mga pamantayan sa paggawa at itaguyod ang maayos na ugnayan sa pagitan ng mga manggagawa at employer sa rehiyon.



Comments