top of page

MOLE, NAGSAGAWA NG BANGSAMORO WORKERS’ FAMILY WELFARE PROGRAM (FWP) SA NOTRE DAME UNIVERSITY

  • Diane Hora
  • Nov 13, 2024
  • 1 min read

iMINDSPH


Nagsagawa ng Family Welfare Program (FWP) ang Ministry of Labor and Employment (MOLE) para sa mga Bangsamoro Workers tulad ng Faculty at Staffs ng Notre Dame University sa Cotabato City.



Layunin nitong tulungan ang mga Bangsamoro Workers na makamit ang isang produktibong buhay, hindi lamang sa trabaho, kundi pati na rin sa tahanan o sa buhay ng kanilang pamilya.



Halos tatlong daan ang dumalo na teaching and non-teaching personnel sa nasabing program na isinagawa sa Quevedo Gym, NDU, araw ng Biyernes, November 8.



Ang programa ay sa ilalim ng pamumuno ni Minister Muslimin Sema, na pinangunahan ng Bureau of Employment Promotion and Welfare (BEPW) Director Sara Jane Sinsuat, at BEPW Recruitment and Accreditation Division (RAD) Chief Yahiya Sabal.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page