top of page

MOLE, nagsagawa ng gender sensitivity training sa mga kawani

  • Diane Hora
  • Oct 10
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Alinsunod sa programa ng Gender and Development–Focal Point System ng Ministry of Labor and Employment, sumailalim sa Gender Sensitivity Training ang mga kawani ng MOLE kahapon.


Ito ay upang maisulong ang gender-responsive governance at pantay na oportunidad sa loob ng ministry.


Sa facilitation ng Bangsamoro Women Commission, unang tinalakay ang konsepto ng model family sa Islam, kung saan binigyang-diin ang papel ng pamilya bilang ugat ng respeto at pagkakapantay-pantay sa pagitan ng kababaihan at kalalakihan.


Ipinaliwanag din ng mga resource persons mula sa BWC ang mga batayang konsepto ng Gender and Development.


Tinalakay din ang mga nakasanayang gender biases at stereotypes upang maisulong ang inclusivity at mutual respect sa loob ng mga institusyon.


Aktibong lumahok ang mga partisipante sa isang open forum at poster-making activity.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page