MOLE, nagsagawa ng general labor standards at occupational safety and health standards inspections sa mga establishimyento sa Sultan Kudarat at Parang, Maguindanao del Norte
- Diane Hora
- Oct 20
- 1 min read
iMINDSPH

Pinangunahan ng mga labor inspectors ng Ministry of Labor and Employment ang serye ng General Labor Standards at Occupational Safety and Health Standards inspections sa ilang mga establishimyento sa mga bayan ng Sultan Kudarat at Parang sa Maguindanao del Norte noong October 6 hanggang October 10.
Sakop ng ginawang monitoring activity ang mga establishimyento na nasa sektor ng general merchandise, transportation, logistics, food catering, manufacturing at gasoline retail operations.
In-assess ng inspection team ng Bureau of Labor Relations and Standards kung sumusunod ba sa key labor laws at occupational safety regulations na nakatuon sa mga kondisyon sa trabaho ng mga manggagawa at ang pagbibigay ng isang ligtas na work environment ang mga ito.
Ang pagsasagawa ng inspeksyon ay alinsunod sa mandato ng MOLE na pangalagaan ang kapakanan ng mga manggagawa at panatilihin ang pagsusulong ng mga pamantayan para sa mga manggagawa.



Comments