top of page

MOLE, nakiisa sa 3 araw na Advanced Single Entry Assistance Desk Officers o SEADO Training and Orientation at Regional Rollout ng DOLE para sa Request Management System o A-R-M-S

  • Diane Hora
  • 8 hours ago
  • 1 min read

iMINDSPH


Kabilang ang mga kawani ng MOLE BARMM sa mga lumahok sa tatlong araw na Advanced Single Entry Assistance Desk Officers o SEADO Training and Orientation.



Ito ay alinsunod sa Department Order No. 249, Series of 2025 (Revised SEnA Implementing Rules and Regulations at Regional Rollout ng Department of Labor and Employment Assistance para sa Request Management System o A-R-M-S.



Ang pagsasanay ay inorganisa ng DOLE-Regional Coordinating Committee 9.



Pinahusay pa sa training ang skills at competencies ng apatnapung SEADOs mula sa MOLE, National Labor Relations Commission o NLRC, DOLE Region 9, at Public Employment Service Office o PESO ZamboEcozone.



Ilan sa mga usapin sa training ay ang salient features ng Department Order No. 249, Series of 2025, pagpapaunlad ng Interviewing Skills para sa SEADOs, partikular ang techniques para sa conciliation at mediation, gayundin ang pagtukoy sa SEnAble at Non-SEnAble Issues sa Labor Dispute Resolution.



Inilatag din sa pagsasanay ang Overview ng DOLE Assistance for Request Management System o ARMS at pinangasiwaan ang isang hands-on training session via Zoom.



Maging ang mga insights hinggil sa Jurisprudence sa Labor Standards at Labor Relations, ay tinalakay din kasama ang wastong paghahain ng Complaint Forms.



 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page