MOLE, nakiisa sa iba pang ahensya ng pamahalaan sa pagdiriwang ng ika-125 Philippine Civil Service Anniversary
- Diane Hora
- Sep 8
- 1 min read
iMINDSPH

Nakiisa ang Ministry of Labor and Employment (MOLE) sa iba pang ahensya ng pamahalaan sa pagdiriwang ng ika-125 Philippine Civil Service Anniversary na pinangungunahan ng Civil Service Commission (CSC) BARMM.
Ang pambansang selebrasyon ay ginaganap sa buong buwan ng Setyembre 2025. Tema ngayong taon “Bawat Kawani, Lingkod Bayani: Puso, Dangal, at Galing Para sa Bayan.”
Bilang bahagi ng mga aktibidad, lumahok din ang mga opisyal at kawani ng MOLE sa 2025 PCSA Fun Run.
Dagdag-kulay din sa pagdiriwang ang pagkapanalo ng MOLE tandem mascots na sina “Mohlea” bilang kampeon sa Servant-Hero Mascot Competition. Si “Moh” ay kumakatawan bilang manggagawang konstruksiyon na sagisag ng kaligtasan sa trabaho at karapatan ng mga manggagawa, habang si “Lea” ay isang overseas Filipino worker (OFW) na sumisimbolo sa sakripisyo at ambag ng mga makabagong bayani ng bansa.
Sa diwa ng tapat na paglilingkod, pinagtitibay ng MOLE ang kanilang pangako na patuloy na maglingkod para sa Bangsamoro, alinsunod sa kanilang mandato na isulong ang kapakanan ng mga manggagawa at palawakin ang oportunidad para sa disenteng hanapbuhay sa rehiyon.



Comments