top of page

MOLE, patuloy na isinusulong ang bangsamoro government internship program o BGIP para sa mga kabataan sa rehiyon

  • Diane Hora
  • Oct 8
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Sa tala ng ministy of labor and employment, umabot na sa 920 na mga kabataan ang nakinabang sa programang bangsamoro government internship program o BGIP na nagsimula noong 2020.


Isa ito sa mga programa ng mole na kanilang patuloy na pinalalakas dahil sa benepisyong naibibigay nito sa mga kabataan lalo na sa mga fresh graduates na hirap makahanap ng trabaho.

 

Para sa mga bagong graduate, ang paghahanap ng unang trabaho ay isa sa mga hamon na kanilang kinakaharap lalo pa at kaliwa't kanan ang kompetisyon.

 

Kabilang sa mga nakaranas nito ang isang education graduate na si Amin Alfad, na mula Jolo, Sulu.

 

Pero sa tulong ng BGIP ng MOLE, nabigyan ng oportunidad si Amin.

 

Bagama't hindi direktang kaugnay sa kanyang kurso ang trabaho, tinanggap ni amin ang hamon ng bagong karanasan sa loob ng opisina ng Bangsamoro Women Commission – Sulu.

 

Dito, natutunan niyang maging flexible, bukas sa pagkatuto at higit sa lahat, maging bahagi ng makabuluhang pagbabago sa rehiyon.

 

Ang BGIP ng MOLE na suportado ng bangsamoro government ay paraan upang magkaroon ng direksyon at pag-asa ang mga kabataan lalo na ang mga fresh graduates sa rehiyon.

 

Sa mga nais maging benepisyaryo ng BGIP, makipag ugnayan lamang sa mga provincial office ng MOLE sa inyong mga lugar o di kaya naman ay makipag ugnayan sa facebook page ng MOLE.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page