MOLE, pinalakas pa ang mekanismo sa pagresolba ng labor disputes sa pamamagitan ng capacity development training
- Diane Hora
- Oct 10
- 1 min read
iMINDSPH

Isa sa mga serbisyo ng Ministry of Labor and Employment ay ang pagreresolba sa labor disputes sa pagitan ng employers at mga empleyado.
Kaya naman sumailalim sa tatlong araw na Advanced Training on Single-Entry Approach ang mga labor employment officers mula sa Bureau of Labor Relations and Standards at mga field offices ng MOLE upang mapahusay ang kanilang kakayahan sa epektibong labor dispute resolution.
Nagbigay ng iba’t-ibang lectures ang resource persons mula sa National Conciliation and Mediation Board, National Labor Relations Commission, Employees’ Compensation Commission at Department of Migrant Workers Regional Office XII.
Tinalakay sa pagsasanay ang mga proseso ng conciliation at mediation, mga behavioral at skills competencies ng SEADOs, illegal dismissal cases, welfare ng overseas workers, social protection at ECC benefits, Kasambahay Law at general labor standards.
Ayon kay MOLE Minister Muslimin “Bapa Mus” Sema mahalaga ang pagsasanay na ito sa pagpapalakas ng serbisyo ng labor ministry.
Upang masukat naman ang kanilang natutunan sa lecture, isang mock conciliation exercise ang isinagawa.
Ibinahagi rin sa mga partisipante ang mga bagong labor policy issuances, kabilang ang Department Order No. 249, s. 2025 o ang pagpapatibay sa implementasyon ng SenA, Department Order No. 174, s. 2017 o regulasyon sa contracting at subcontracting at Department Order No. 252, s. 2025 o nagtatakda ng occupational safety and health standards para sa kaligtasan ng mga manggagawa.
Ang pagsasanay na ito ay bahagi ng patuloy na kooperasyon ng MOLE at DOLE upang mapaigting ang intergovernmental coordination at maisulong ang karapatan ng mga manggagawa at industrial peace sa buong rehiyon.



Comments