MOLE, sinuri ang mga nagawa at target pa ng ministry hanggang sa katapusan ng taon sa ikalawang management committee meeting sa Cotabato City
- Diane Hora
- 11 minutes ago
- 1 min read
iMINDSPH

Ginanap ang pulong noong a trenta ng Oktubre sa Haraya Hall, Alnor Hotel, Cotabato City, na dinaluhan ng mga opisyal at mga pinuno ng provincial at field offices ng
Ministry of Labor and Employment.
Layunin ng pagpupulong na suriin ang mga nagawa at target ng ministeryo hanggang sa pagtatapos ng taon, talakayin ang paggamit ng pondo, mga usaping administratibo at
magtakda ng mga direksyon para sa fiscal year 2026.
Pinangunahan mismo ni MOLE Minister Muslimin “Bapa Mus” Sema ang pagpupulong, kung saan binigyang-diin niya ang kahalagahan ng empowerment at
capacity-building ng mga empleyado at tanggapan upang mas mapahusay ang serbisyong publiko sa rehiyon.
Kasabay nito, tiniyak ng MOLE ang patuloy na pagpapatupad ng mga strategic action para sa mas epektibo at mahusay na serbisyo na nakatuon
sa kapakanan at epektibong Bangsamoro labor force.



Comments