top of page

Monitoring at profiling ng mga weavers, isinagawa ng Provincial Tourism Office ng Maguindanao del Sur bilang patuloy na suporta sa Indigenous Peoples (IP) women at sa pangangalaga ng lokal na cultural

  • Diane Hora
  • 2 days ago
  • 1 min read

iMINDSPH



Buong pagmamalaki na ipinamalas ng mga weavers sa Datu Abdulllah Sangki ang kanilang tradisyunal na proseso ng paghahabi at aktibong nakilahok sa profiling at talakayan sa isinagawang monitoring at profiling ng mga weavers ng Provincial Tourism Office ng MagSur, katuwang ang Datu Abdullah Sangki Municipal Tourism Office at GAD Office.


Naging makabuluhan ang aktibidad bilang palitan ng kaalaman, na hindi lamang nagpakita ng husay at pagkamalikhain ng mga weavers, kundi pati na rin ng mayamang kulturang minana at ipinapasa sa bawat henerasyon.


Ayon sa mga weavers, mahalaga ang ganitong engagement upang mas maunawaan ang pangangailangan ng mga IP women at higit na mapalakas ang kanilang kabuhayan.


Binigyang-diin ng Municipal Government of Datu Abdullah Sangki, sa ilalim ng pamumuno ni Suharto Al Wali Mangudadatu, ang kanilang matatag na paninindigan sa empowerment ng Indigenous Peoples, lalo na ng kababaihan, kasabay ng pangangalaga at pagdiriwang ng kultura at tradisyon.


Dagdag pa ng LGU, ang tuloy-tuloy na suporta sa traditional weaving handicrafts ay repleksyon ng kanilang commitment sa inclusive growth kung saan pinahahalagahan ang cultural heritage, binibigyan ng oportunidad ang kababaihan na umunlad, at pinananatiling buhay ang indigenous identity para sa susunod na mga henerasyon.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page