top of page

MONITORING SA INDUSTRIYA NG LANGIS Mahigpit na ipinatutupad ng DOE upang labanan ang posibleng hoarding at profiteering; Napaulat na iregularidad mula Luzon at Mindanao

  • Mar 6
  • 1 min read

iMINDSPH



Pinaigting ng Department of Energy (DOE) ang monitoring sa industriya ng langis upang labanan ang posibleng hoarding at profiteering o iligal na pagpapatong ng presyo sa mga produktong petrolyo, ayon sa ibinahaging report ng Radyo Pilipinas.


Sa ilalim ng Price Act (RA 7581) at Presidential Decree No. 1865, mahigpit na ipinagbabawal ang pagmamanipula sa presyo at supply ng LPG, kerosene, at gasolina. Ang sinumang mahuhuling lumalabag ay maaaring maharap sa malaking multa, pagkakakulong, at pagkumpiska ng kanilang mga produkto.


Nakikipagtulungan na ang DOE sa Department of the Interior and Local Government (DILG) at Philippine National Police (PNP) upang agad na masakote ang mga mapanamantalang negosyante.


Sa kasalukuyan, may mga paunang ulat na mula sa Luzon at Mindanao tungkol sa mga iregularidad na sinusuri na ng ahensya para sa posibleng pagsasampa ng kaso, ayon sa report


Hinihimok ng DOE ang publiko na maging aktibo sa pag-uulat ng mga kahina-hinalang aktibidad sa mga gasolinahan sa pamamagitan ng hotline 8888 o sa mga opisyal na channel ng DOE.


Pinapaalalahanan din ang lahat na kumuha ng ebidensya gaya ng litrato, resibo, at lokasyon ng establisyimento para sa mabilis na aksyon ng gobyerno.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page