Moro Islamic Liberation Front Chairman at UBJP President Alhaj Murad Ebrahim, binisita ng pamilya ni yumaong BTA Speaker Atty. Balindong kasama ang ilang mga opisyal mula Lanao Del Sur
- Diane Hora
- Oct 20
- 1 min read
iMINDSPH

Bumisita kay Moro Islamic Liberation Front Central Committee Chairman at United Bangsamoro Justice Party President, Al Haj Murad Ebrahim ang pamilya ni yumaong Bangsamoro Transition Authority Parliament Speaker Atty. Pangalian Balindong kasama ang ilang opisyal na mula sa Lanao del Sur, sa Camp Darapanan sa bayan ng Sultan Kudarat sa Maguindanao del Norte.
Nakahanap naman ang pamilya ng kapanatagan sa pag alala ng pinagsamahan ng namayapang speaker at ni Chairman Murad. Tiniyak rin ng opisyal sa pamilya na ang legasiya at kontribusyon ni Speaker Balindong para sa wagas na kapayapaan sa rehiyon ay patuloy na kikilalanin at pahahalagahan.
Nanawagan din si Chairman Murad sa mga local chief executives na naroon na magkaisa, panatilihin ang kooperasyon at integridad dahil sa pamamagitan ng pagkakaisa at dedikasyon, ay makakamtam ang self-determination, hustisya at pangmatagalang kapayapaan.



Comments