top of page

Most Wanted Person na iniuugnay sa 2019 Libungan Bombing, sumuko sa awtoridad matapos ang negosasyon at intelligence operations

  • Nov 19, 2025
  • 1 min read

iMINDSPH



Sumuko sa awtoridad ang isang Most Wanted Person na miyembro ng MILF-BIAF mula sa 10th Base Command na iniuugnay sa 2019 Libungan Bombing matapos ang negosasyon at intelligence operations.


Kinilala ang suspek sa alyas na “Nasser”, 40 years old.


Inaresto ito araw ng Martes, November 18.


Ang suspek ay may Warrant of Arrest na inisyu ng RTC 12, Midsayap, Cotabato.


Itinakda ng korte ang ₱200,000.00 bail bond sa kaso.


Dinala sa Aleosan District Hospital ang suspek para sa medical examination bago ito isinailalim sa custodial detention.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page