top of page

Most wanted person ng PNP PRO 12 na nahaharap sa kasong carnapping, arestado sa General Santos City

  • Dec 30, 2025
  • 1 min read

iMINDSPH



Timbog ang isang Regional Level Top 10 Most Wanted Person matapos isilbi ng mga awtoridad ang warrant of arrest kaugnay ng kasong carnapping


Kinilala ng pulisya ang suspek sa alyas na “Rogelio,” 38 years old, residente ng Barangay San Isidro, General Santos City.


Inaresto ang suspek bandang 2:30 ng hapon noong Disyembre 27, 2025, sa bisa ng Warrant of Arrest para sa paglabag sa Republic Act 10883 o New Anti-Carnapping Law, na inisyu ng Regional Trial Court, General Santos City noong Nobyembre 28, 2025.


Inirekomenda ng korte ang piyansang ₱300,000.


Matapos ang pag-aresto, dinala ang suspek sa Police Station 4 para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.


Isinagawa ang operasyon ng pinagsanib na puwersa ng Police Station 4 ng General Santos City Police Office, General Santos City Highway Patrol Team, at CIDG 12.


Pinuri ni PBGEN Arnold Ardiente, Regional Director ng PRO 12, ang mabilis at epektibong aksyon ng mga operatiba at iginiit ang patuloy na pagtugis sa mga wanted na indibidwal na nagbabanta sa kaligtasan ng publiko.


 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page