top of page

MOST WANTED PERSON, PATAY SA OPERASYON Kasama ang isa pang suspek; Baril, granada at hinihinalang shabu, nasamsam

  • 6 days ago
  • 1 min read

iMINDSPH

Kinilala ang mga nasawi na sina alyas "Peter", Top 2 Most Wanted Person Municipal Level; at si alyas "Edwin", 56 anyos, residente ng naturang lugar.


Ayon sa ulat, dakong 3:30 ng madaling araw nang magtungo ang pinagsanib na pwersa ng pulisya at militar sa tinutuluyang bahay ng mga suspek upang isilbi ang warrant of arrest laban kay alyas "Peter" para sa kasong murder.


Gayunman, nakahalata umano ang mga suspek sa presensya ng mga operatiba dahil sa tahol ng aso, dahilan upang paputukan ang mga awtoridad. Iniulat ding tinangka umano ni alyas "Edwin" na maghagis ng granada, na nagbunsod ng palitan ng putok.


Kapwa nasugatan ang dalawang suspek at agad na dinala sa Cotabato Sanitarium and General Hospital ngunit kalaunan ay idineklarang dead on arrival.


Narekober sa lugar ang isang caliber .45 pistol, isang granada, at labindalawang sachet ng hinihinalang shabu na may tinatayang timbang na 1.14 gramo at halagang nasa ₱7,752.


Ang mga ebidensya ay dinala na sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon, habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa insidente.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page