top of page

MOST WANTED PERSON, TIMBOG sa intel-driven operation ng pulisya sa bisa ng dalawang warrant of arrest para sa kasong murder

  • 6 days ago
  • 1 min read

iMINDSPH


Arestado ng pulisya ang isang most wanted person na nahaharap sa kasong murder at may patong sa ulo na ₱140,000 sa isinagawang manhunt operation Naaresto ang 52-anyos na suspek sa isang intelligence-driven operation, dakong 10:20 ng umaga, araw ng Biyernes, March 20.


Ang akusado ay kabilang sa national most wanted list ng Department of the Interior and Local Government at itinuturing na number No. 1 Top Ten Most Wanted Person provincial level ng Lanao del Norte.


Nahaharap ang suspek sa 2 counts of murder. Parehong may warrant of arrest ang dalawang kaso na may petsa na May 19, 2021 sa Molave, Zamboanga del Sur at October 10, 2025 sa Iligan City.


Walang inirekomendang piyansa ang korte sa dalawang kaso.


Isinagawa ang operasyon ng tracker team ng CIDG Iligan City Field Unit katuwang ang iba pang operating units at Iligan City Police Office sa ilalim ng Oplan Pagtugis.


Matapos ang pag-aresto, dinala ang suspek sa CIDG Iligan para sa dokumentasyon bago i-turn over sa mga hukuman na naglabas ng warrant.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page