Most Wanted Persons, drug suspects, at sangkot sa anti-smuggling operations, arestado sa iba’t ibang bayan sa South Cotabato
- Jan 27
- 1 min read
iMINDSPH

Himas rehas ang 30 indibidwal matapos magsagawa ng sunod-sunod na operasyon ang South Cotabato Police Provincial Office.
Nagresulta ang operasyon sa pagkakaaresto ng 14 na wanted persons, kabilang ang mga Most Wanted Persons sa municipal, provincial, at regional levels.
Ikinasa ito, a-23 ng Enero.
Bukod dito, 11 drug suspects ang naaresto sa buy-bust operations at implementasyon ng search warrants, habang 5 katao ang nadakip sa mga anti-smuggling operations. Nasamsam sa mga operasyon ang hinihinalang ilegal na droga, drug paraphernalia, isang baril na may bala, at iba’t ibang smuggled cigarettes.
Lahat ng mga naarestong indibidwal ay kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya para sa wastong dokumentasyon at kaukulang legal na disposisyon.



Comments