top of page

Most wanted persons sa Davao region na nahaharap sa mga kasong murder, rape, statutory rape, at syndicated estafa, arestado sa manhunt operations ng pulisya

  • Feb 19
  • 1 min read

iMINDSPH



Arestado ng pulisya ang mga Most Wanted Person sa Davao region kabilang na ang Top 10 regional most wanted persons at Top 1 murder suspect matapos ang manhunt operations ng awtoridad.


Naaresto ang Top 10 regional most wanted persons na nahaharap sa mga kasong murder, rape, statutory rape, at syndicated estafa sa magkakahiwalay na operasyon sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon.


Arestado rin ang Top 1 murder suspect, na nadakip sa Barangay Ma-a, Davao City sa bisa ng warrant of arrest sa kasong murder na inilabas ng Regional Trial Court Branch 11, na walang inirekomendang piyansa.


Isinagawa ang mga operasyon sa ilalim ng Simultaneous Anti-Criminal Law Enforcement Operations o SACLEO, alinsunod sa direktiba ng Philippine National Police.


Kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya ang mga naarestong indibidwal para sa wastong dokumentasyon at pagsasailalim sa kaukulang legal na proseso.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page