MOTC at BAA, nakahanda na para sa undas 2025
- Diane Hora
- Oct 29
- 1 min read
iMINDSPH
Simula ngayong November 1, itinaas na sa heightened alert status ang tatlong paliparan sa buong BARMM bilang paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mga biyahero ngayong Undas.
Ito ay bahagi ng Oplan Biyaheng Ayos 2025, na pinangungunahan ng Ministry of Transportation and Communications katuwang ang Bangsamoro Airport Authority, para tiyaking ligtas at maayos ang biyahe ng publiko ngayong Undas.
Layunin nito na mapanatili ang mahigpit na seguridad at kaligtasan ng mga pasahero habang papauwi upang makapiling ang kanilang mga mahal sa buhay.
Sa ilalim ng Oplan Biyaheng Ayos 2025, nagsasagawa ang MOTC at BAA ng 24/7 monitoring at mas pinaigting na koordinasyon sa mga ahensya ng gobyerno upang matiyak ang maayos, mabilis at ligtas na biyahe sa mga paliparan ng rehiyon.
Ang mga paliparan ay mananatiling nasa heightened alert status hanggang November 10, upang masiguro ang patuloy na seguridad ng mga biyahero.






Comments