MOTC BARMM at isang kompanya, lumagda sa MOA para palakasin ang sistema sa komunikasyon sa disaster response, transportation coordination, at peace-building
- Sep 15, 2025
- 1 min read
iMINDSPH

Lumagda sa Memorandum of Agreement ang MOTC BARMM at isang kompanya para palakasin ang sistema sa komunikasyon sa disaster response, transportation coordination, at peace-building.
Ang kasunduan ay nilagdaan ni MOTC BARMM Minister Termizie Masahud at ng Lead General Merchandise.
Isinagawa ang signing araw ng Huwebes, September 11.
Ang Lead General Merchandise ang napiling official supplier sa pamamagitan ng Lowest Calculated and Responsive Bid at nangakong magsusupply ng high-quality equipment kasama na ang full technical support sa kasagsagan ng implementasyon.
Dumalo sa seremonya si Director General Atty. Roslaine Macao-Maniri, Atty. Abbyr Nul, at iba pang MOTC officials.



Comments