MOTC Minister Termizie G. Masahud nagcourtesy visit kay Basilan Governor Mujiv Hataman
- Diane Hora
- Oct 22
- 1 min read
iMINDSPH

Personal na bumisita kay Basilan Governor Mujiv Hataman sina Ministry of Transportation and Communication Minister Termizie Masahud, Acting Port Manager Ken Calolot Bisal at Atty. Roslaine Macao Maniri ng Bangsamoro Ports Management Authority.
Layon nitong pag-usapan ang port development at monitoring ng mga pantalan sa Lamitan at Maluso at kung paano pa ang pagpapahusay ng operasyon at kaligtasan sa mga pantalan ng lalawigan.
Ibinahagi ni Gov. Hataman ang posibilidad ng pagtatayo ng mas maayos na warehouse at cold storage facilities, lalo na sa Port of Maluso na nakikita niyang may malaking potensyal para sa dagdag na kita at trabaho para sa mga residente.
Kapag mahusay ang daloy ng kalakalan, mas mabilis din umabot ang pag-angat ng kabuhayan ng mga Basileño ayon sa gobernador.
Sa bawat pantalan na pinagbubuti, mas lumalawak din ang oportunidad para sa mas progresibong probinsya.



Comments