top of page

MOTC, nakatakdang palawakin ang Automated Services ng BLTO sa buong rehiyon

  • Diane Hora
  • Oct 23
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Ipinahayag ni MOTC Minister Termizie Masahud ang plano ng ministeryo na palawakin ang automated services ng Bangsamoro Land Transportation Office upang higit na mapagsilbihan ang mga motorista sa buong rehiyon.


Kabilang sa mga iminungkahing bagong lokasyon ng BLTO ang mga bayan ng Lamitan sa Basilan, at Maguindanao, gayundin ang pagtatatag ng kauna-unahang regional office sa Cotabato City.


Ang pagpapalawak na ito ay bunga ng matagumpay na pakikipagtulungan ng MOTC sa Stradcom, na siyang nag-automate ng mga proseso ng BLTO at nagkonekta nito sa national LTO-IT system.


Sa kasalukuyan, mahigit 110,000 driver’s licenses at 36,000 vehicle registrations na ang naiproseso sa ilalim ng sistemang ito.


Bukod dito, tinalakay din ng MOTC ang posibilidad ng pagpapatupad ng 10-year validity period para sa mga lisensiya ng mga motorista sa Bangsamoro Region na isang hakbang tungo sa mas episyenteng serbisyo publiko.


Sa pamamagitan ng inisyatibang ito, layon ng MOTC na higit pang mapadali, mapabilis at mapalawak ang access sa mga serbisyong pangtransportasyon.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page