top of page

Motorcycle License Plate Distribution, isinagawa ng Sultan Kudarat LGU sa pangunguna ng LTO na may model unit year 2014 hanggang 2017

  • Diane Hora
  • Sep 8
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Isinagawa ng LTO sa Sultan Mastura, Maguindanao del Norte ang pamamahagi ng motorcycle plates na may model unit year na 2014 hanggang 2017.


Isinagawa ang distribusyon sa Municipal Gymnasium ng Sultan Mastura, Maguindanao del Norte.


Layunin ng programa na mapabilis ang pamamahagi ng mga plaka ng motorsiklo alinsunod sa Republic Act No. 11235, o Motorcycle Crime Prevention Act.


Para naman sa mga hindi nakakuha ng kanilang plaka sa nasabing aktibidad, maaari itong i-claim sa City Mall sa darating na Sabado sa itinakdang schedule, o direkta sa tanggapan ng LTO Pigcawayan.


Requirements sa pag-claim ng plate number ay photocopy ng Official Receipt/Certificate of Registration (OR/CR, photocopy ng Valid ID na may tatlong specimen signature at contact number), para sa second owner: Kailangan ng Deed of Sale o Authorization Letter.


Sa pamamagitan ng aktibidad na ito, nabigyan ng pagkakataon ang mga motorcycle owners na personal na makuha ang kanilang plaka sa isang ligtas, maayos at madaling puntahan na lugar.


Ang nasabing inisyatiba ay malaking tulong upang maiwasan ang pagkaantala sa paggamit ng mga plaka at para na rin sa mas epektibong implementasyon ng batas trapiko.


Ang hakbang na ito ng LTO ay patunay ng kanilang pagpupunyagi na mas mapalapit ang serbisyo publiko sa mamamayan, lalo na sa mga motorista ng Sultan Mastura at kalapit na bayan.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page