top of page

MOVING-UP CEREMONY isinagawa ng MSSD sa Kabuntalan, Maguindanao del Norte para sa 127 batang mag-aaral mula sa 15 Child Development Centers

  • 4 days ago
  • 1 min read

iMINDSPH


127 batang mag-aaral mula sa 15 Child Development Centers (CDCs) sa Kabuntalan ang nagdiwang ng mahalagang yugto sa kanilang pag-aaral sa pamamagitan ng sabayang moving-up ceremony na isinagawa ng MSSD noong Marso 24, 2026 sa Municipal Covered Court ng Barangay Bagumbayan.


Sa temang โ€œ๐˜‰๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜‰๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ด๐˜ข๐˜ฎ๐˜ฐ๐˜ณ๐˜ฐ: ๐˜š๐˜ช๐˜ฎ๐˜ฃ๐˜ฐ๐˜ญ๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜—๐˜ข๐˜จ-๐˜ข๐˜ด๐˜ข, ๐˜๐˜ช๐˜ฏ๐˜ถ๐˜ฃ๐˜ฐ๐˜จ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜—๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜ฑ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜”๐˜ข๐˜ด ๐˜”๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜จ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜‰๐˜ถ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ดโ€, ipinagdiwang ng seremonya hindi lamang ang akademikong progreso ng mga bata kundi pati na rin ang pag-unlad ng kanilang karakter at potensyal.


Bawat mag-aaral ay tumanggap ng certificate of completion bilang pagkilala sa kanilang tagumpay sa pagtatapos ng early learning program.


Kasabay ng moving-up ceremony, namahagi rin ang MSSD ng 12,000 pouches ng sterilized milk sa 18 CDCs sa Kabuntalan. Bilang suporta mula sa Local Government Unit, nakatanggap din ang mga CDC ng Early Childhood Care and Development (ECCD) learning materials at na magagamit ng mga bata sa kanilang playtime, indoor activities, at simulation exercises.


Tinitiyak ng ECCD program ng MSSD na matatanggap ng mga batang daycare learners ang maayos at sapat na edukasyon sa early learning, na hindi lamang nakatuon sa kanilang kasanayan at talento kundi pati na rin sa kanilang holistic development.


Samantala, naka-schedule na rin ang moving-up ceremonies para sa natitirang CDCs sa Kabuntalan at sa iba pang bahagi ng rehiyon sa mga susunod na araw.

ย 
ย 
ย 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page