MOVING-UP CEREMONY NG 600 DAYCARE LEARNERS isinagawa ng MSSD sa Lanao del Sur
- Apr 9
- 1 min read
iMINDSPH

Tinapos ng 652 day care learners mula sa iba’t ibang Child Development Centers (CDCs) at Supervised Neighborhood Plays (SNPs) sa Lanao del Sur ang unang yugto ng kanilang pag-aaral sa pamamagitan ng isinagawang centralized moving-up ceremony ng MSSD mula Marso 24 hanggang Abril 5, 2026.
Sa nasabing bilang, 113 learners mula sa Amai Manabilang ang nagtapos noong Marso 24. Sinundan ito noong Abril 1, kung saan 185 learners mula sa Binidayan at 137 learners mula sa Maguing ang nagsipagtapos. Noong Abril 2, 137 learners naman mula sa Tamparan ang lumahok sa moving-up ceremony, habang 80 learners mula sa Kapai ang nagtapos nitong Abril 5.
Patuloy namang pinagtitibay ng Early Childhood Care and Development (ECCD) Program ng MSSD ang kahalagahan ng pagbibigay ng de-kalidad na maagang edukasyon sa mga batang nasa daycare. Layunin ng programa na hubugin hindi lamang ang kanilang kaalaman at kakayahan, kundi pati ang kanilang pangkalahatang pag-unlad at paghahanda para sa susunod na antas ng edukasyon.
Dinaluhan ang naturang programa ng mga magulang, Child Development Workers (CDWs), Para-Social Workers (PSWs), gayundin ng mga kinatawan mula sa LGU at BLGU officials, bilang suporta sa mahalagang yugto ng edukasyon ng mga bata.



Comments