top of page

MOVING-UP NG MGA DAYCARE LEARNERS mula sa iba’t ibang Child Development Centers sa Mapun, Tawi-Tawi, matagumpay kung saan 183 na mga bata ang nagtapos

  • 3 days ago
  • 1 min read

iMINDSPH



Isinagawa ang moving-up ceremony mula March 23 hanggang 24, 2026.


Sa kabuuang bilang, 44 learners ay mula sa Barangay Umus Mataha, tig-14 mula sa Barangay Sapah at Barangay Lubbak Parang, 43 mula sa Barangay Liyubud, 48 mula sa Barangay Lupa-Pula, at 20 naman mula sa Barangay Guppah.


Bilang pagkilala sa kanilang tagumpay, tumanggap ang bawat learner ng diploma bilang patunay ng kanilang pagtatapos sa early learning program.


Samantala, nagpapatuloy ngayong March 25, 2026 ang clustered moving-up ceremony para sa mga daycare learners mula sa Barangay Boki at Tabulian.


Ang mga Child Development Centers (CDCs) ay sinusuportahan ng Child and Youth Welfare Program (CYWP) ng MSSD sa ilalim ng Early Childhood Care and Development (ECCD). Sa ilalim ng programang ito, tumanggap din ang bawat learner ng learning kit at hygiene kit. (𝗛𝗠𝗔/𝗜𝗖𝗗

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page