top of page

MP Abdullah Goldiano Macapaar o Commander Bravo at MP Akmad Indigay Abas o Commander Jack Abas, kabilang sa 6 MILF members na sumailalim sa case conference ng National Amnesty Commission

  • Jan 26
  • 3 min read

iMINDSPH



Nakumpleto na ng Local Amnesty Board (LAB) Cotabato ang pang limang case conference at deliberations, sa anim na amnesty applications mula January 22–23, 2026


Kabilang sa amnesty applicants na isinailalim sa case conference at deliberation ay si

Moro Islamic Liberation Front (MILF) Northwestern Mindanao Front at Bangsamoro Transition Authority (BTA) Member of Parliament Abdullah Goldiano Macapaar o mas kilala bilang si Commander Bravo at MILF Eastern Mindanao Front Commander, MP Akmad Indigay Abas o mas kilala bilang commander Jack Abas.


Ang deliberasyon ay pinangunahan ni LAB Chairperson Atty. Mariam April Mastura at dinaluhan ng mga key members ng board na kinabibilangan ni Integrated Bar of the Philippines–Cotabato Vice President Atty. Bai Pangandongan Dilangalen, IBP Secretary Atty. Mohammad Hadji Yusoph, Cotabato City Police Office Director P/Col. Jibin Bongcayao, at Col. Rey Rico ng 6th Infantry “Kampilan” Division.


Tinutukan din ni NAC Commissioner Jamar Kulayan a ng proceedings.


Ayon sa National Amnesty Commission (NAC), may kabuuang 992 amnesty applications ang naihain mula sa mga miyembro ng MILF.


Umaasa ang NAC na marami pang miyembro ng MILF ang maghahain ng amnesty application kasunod ng paggawad ng amnestiya kay MP Basit "Jannati Mimbantas" Abbas.


September 2025 nang personal na iginawad ng NAC kay MP Abbas ang notice of decision Camp Bushra Somiorang, Butig, Lanao del Sur.


MP BASIT “JANNATI MIMBANTAS” ABBAS

Of course, we are happy na nakasali ako sa first batch na na-approved ng National Amnesty Commission.This amnesty program is one of the provisions of the agreement, so we have to fulfill this agreement on the part of the MILF. We are encouraging our brothers from the MILF and MNLF to avail of this program because this is part of the deal between the GPH and MILF


Sa buong bansa, umabot na sa 7,734 amnesty applications ang natanggap ng NAC as of January 9, 2026.


Sa bilang na ito, 6,236 ang mula sa former members ng CPP–NPA–NDF, 92 mula sa RPMP–RPA–ABB, 414 muila sa MNLF, at 992 mula sa MILF.


Itinakda sa Marso 5, 2026 ang huling araw ng pagsusumite ng aplikasyon para sa mga miyembro ng MILF at MNLF, sinabi ng LAB Cotabato na patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga posibleng aplikante at handa ang kanilang mga kasapi at secretariat na tumulong sa mga pipili ng landas ng kapayapaan.


Sinagot naman ng NAC ang mabagal na usad ng proseso ng ilang amnesty application.


Sa datos ng NAC, September 2024 nang maghain ng amnesty application si kumander Bravo at iba pang lider ng MILF.


Bagama’t tatlong aplikasyon ang naproseso noong nakaraang taon—kung saan isa ay naaprubahan na ng Pangulo—umabot pa ng humigit-kumulang 16 na buwan bago tuluyang maihanda para sa case conference at rekomendasyon ang natitirang mga kaso.


Ipinaliwanag ng NAC na kadalasang sanhi ng pagkaantala ang pagiging komplikado ng mga kaso, lalo na ang masusing pagsusuri sa maraming kasong kinakaharap ng mga aplikante.


ATTY. JAMAR KULAYAN

Commissioner, National Amnesty Commission

“delays are often caused by the complexity of cases, particularly the need to carefully review multiple charges against applicants. Board members must determine whether the acts were politically motivated, ensuring that crimes committed for personal gain are excluded from amnesty recommendations”


Sa kabila ng mga hamong ito, iginiit ng mga opisyal na mahalaga ang maingat at masusing proseso ng pagsusuri upang mapanatili ang integridad ng amnesty program at maisulong ang isang makatarungan at pangmatagalang kapayapaan.


 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page