top of page

MP Atty. Omar Sema, nanawagan na manindigan laban sa karahasan at patayan

  • Diane Hora
  • Oct 14
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Mariing kinondena ni Member of Parliament Atty. Omar Yasser Sema ang lahat ng anyo ng pagpatay, anuman ang pinagmulan nito—galit, kasakiman, paghihiganti, ideolohiya, o kawalang-pakialam.


Ayon kay MP Sema, walang anumang dahilan, paniniwala o reklamo ang maaaring gawing katwiran upang sadyang kitilin ang buhay ng kapwa.


Nanawagan si MP Sema na dapat manindigan ang lahat laban sa karahasan, papanagutin ang mga may sala at itaguyod ang isang kultura na nagbibigay-halaga sa buhay.


Dagdag pa niya, piliin dapat ng lipunan ang kapayapaan kaysa paghihiganti, katarungan kaysa kalupitan at pagkatao kaysa poot.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page