MP Michael Midtimbang, inihayag ang kanyang taos pusong suporta sa inisiyatiba ng 5 gobernador ng BARMM para sa aniya’y One Bangsamoro
- Diane Hora
- 5 hours ago
- 1 min read
IMINDSPH

Buong paggalang na ipinahayag ni MP Michael Midtimbang ang taus-pusong suporta nito sa inisyatiba ng limang Provincial Governors ng Bangsamoro Autonomous Region na magtatag ng “One Bangsamoro” — isang alyansang nakatuon aniya sa pagkakaisa, sama-samang pamumuno, at kolektibong pag-unlad para sa mamamayang Bangsamoro.
Ayon sa pahayag, ang hakbang ng mga provincial governors ay patunay ng isang mas matibay na pagkakaisa sa rehiyon, pagpapalakas ng ugnayan sa pagitan ng mga antas ng pamahalaan, at pagpapatibay ng paninindigan sa prinsipyo ng Moral Governance.
Ang mensahe ng pagkakaisa at pagtutulungan ng mga gobernador ay sumasalamin ayon sa mambabatas sa mithiin ng mga mamamayan para sa kapayapaan, inklusibong pag-unlad, at matatag na kinabukasan na nakaugat sa pagtitiwala at pagkakaisa.
Ipinahayag din nito ang kahandaan na makibahagi sa mga hakbangin upang higit pang mapalakas ang koordinasyon, mabuting pamamahala, at kapakanan ng bawat Bangsamoro.



Comments