MP Naguib Sinarimbo, ibinahagi ang mga nagawa sa nakalipas na 5 buwan ng kanyang tanggapan, mga serbisyong naihatid at naisabatas na panukala sa BTA Parliament
- Diane Hora
- Aug 27
- 1 min read
iMINDSPH

Para maibahagi sa taumbayan kung saan napunta ang pondong nakalaan sa kanyang tanggapan, ibinahagi ni MP Atty. Naguib Sinarimbo ang mga nagawa ng kanyang opisina sa nakalipas na limang buwan.
Sa loob ng tatlumpong araw ayon sa mambabatas, 12 medical missions ang kanilang naikasa sa Cotabato City at sa SGA-BARMM kung saan, mahigit kumulang 3,284 residente ang nakatanggap ng serbisyong medikal tulad ng libreng konsulta, libreng gamot, libreng antipara pambasa.
170 endorsements ang naibigay ng tanggapan para sa hospitalization at medicine assistance at 10 endorsements naman para sa burial assistance sa ilalim ng MSSD B-CARES bukod pa sa 10 pasyente na nabigyan ng kanyang opisina ng direktang hospital assistance simula ng maiabot umano ang B-HOPE fund sa Dr. Pesante Hospital at Sanitarium Hospital noong August 12.
Nakapagtanim din ng 4,000 tree seedlings ang tanggapan ng mambabatas sa 13 environmental acitivities sa lungsod at sa SGA kung saan mahigt kumulang 2,000 bags ng 10 KG rice ang naipamahagi para sa mga volunteers na naglinis at nagtanim ng mga puno.
Simula noong Abril, ayon sa mambabatas, apat (4) na panukalang batas aniya ang naisulat at nai-file na at tatlong (3) panukalang resolusyon bukod pa ito 16 na bills at resolutions co-authorships.
Isa sa mga panukala na binigyang diin ni Atty. Sinarimbo ay ang pag paruba ng parliament noong August 20, 2025 sa Salamat Excellence Award for Leadership o (SEAL) Act of 2025.



Comments