top of page

MP Naguib Sinarimbo, tinawag na “flawed” at “political harassment” ang petition for indirect contempt na inihain sa Supreme Court laban sa kanya at sa 9 pang kasamahan sa BTA Parliament

  • Jan 7
  • 3 min read

iMINDSPH



Ang biro ko sa mga kasama ko sa BTA baka komiks lang yan, basahin muna natin ang laman because on its face, kung tingnan mo lang ang petition, alam mo na na flawed, parties pa lang under the rules ng courte, ang sinasabi ay pagka nagfile ka ng kaso ay tama yung partido, hindi tama ang designation ng parties because yung parties in interest ay hindi appropriately designated, hindi sila ang kinasuhan mo, hindi magkakaroon ng complete relief.


Ito ang sinabi ni BTA Deputy Floor Leader, Atty. Naguib Sinarimbo, matapos maipost sa social media ang petition for indirect contempt na inihain sa Supreme Court laban sa kanya, kay MP Ishak Mastura, MP Tomanda Antok, MP Zulfikar-Ali Bayam, MP Rasul Ismael, MP Kitem Kadatuan, MP Rasol Mitmug Jr., MP Amenodin Sumagayan, MP Romeo Sema at MP Baintan Ampatuan.


Tinawag din ito ni MP Sinarimbo na political harassment.

Hindi madidispose ng korte ang usapin kung hindi tama ang partido, halimbawa, itong kaso ng indirect contempt, kung ang pipilitin lang ng korte through the petition, yung 10 na mag act dito, hindi pa rin mangyayari ang gustong gawin ng Supreme Court na ipasa yung batas kasi hindi magkakaroon ng quorum ang 10 of the 10 members of parliament. Hindi rin nila kayang ipasa ang batas na yun. Kung mali ang parties, hindi magpo proceed ang kaso. Am certain from legal view point, hindi tama ang petition.


Sinabi ng mambabatas, kung matatandaan aniya na ang anim na districting bills na inihain sa Bangsamoro Parliament alinsunod sa resolution ng Supreme Court na dineklarang unconstitutional ang BAA 58 at BAA 77, inirefer daw ng Parliament sa Committee on Rules at Local Government ang usapin.


Isinagawa rin aniya ng dalawang komite ang mga aktibidad na ayon sa mga hakbang tulad ng public consultations, meetings, deliberation sa lebel ng komite.


Inaprubahan na rin sa komite ang districting bill at mayroong certification si BARMM Interim Chief Minister Abdulraof Macacua na gawing urgent ang bill.


We transmitted the committee report doon sa plenary para sana sa plenary deliberation nong 18, pero dahil hindi nagka quorum, hindi natin naipasa, but at the level of the committee, yung mga tao na in-identify sa petition, sila ang nagtulak na maisapa ito. So like, MP Deputy Speaker Mastura, siya ang nag move na i-adopt yung isa bill so we can proceed with the deliberation.

Si MP Rasol Mitmug Jr, was the one who argued against delaying further the deliberation in the committee, gusto ni MP Rasol mapasa na ang committee report para madala na sa plenary.


Aniya, hindi tamang sabihin na silang sampu ang dahilan kaya hindi nacomply ang districting law.


In fact, ang sampu ang nagsikap na maipasa yan sa committee level. We made sure that we are present in the plenary.


Ang kakulangan sa quorum aniya ang naging problema.


Yung ang naging problema at the level of the plenary, naitawid sa committee noong December 17. 18 in the morning, we made sure na mayroong committee report, may certification si chief minister in the afternoon of 18th December last year, sana, nag antay kami. Ako ang pinaka una, nag antay kami up to 2 plus na e, usually sessions starts at 1, pero hindi talaga nagkaroon ng quorum. CUT then humirit pa si chief minister, unfortunately…ang ibang kasamahan natin nag umrah na. Hindi natin masisi kasi na booked na ahead of time, mahirap masurmise na intentional yun kasi naka sched na kasi.


Sa paglitaw ng petition, ito ang sinabi ng opisyal.


Hindi naman automatic na given due course yan e, hindi naman automatic na sabihin ng court na sasagod tayo. I think, what would happen may merit ba….. [until sa part na] kung aabot sa atin ang petition, then we will answer.


 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page