MP Tomanda Antok, itinalaga bilang Special Assistant to the Minister ng MILG
- Diane Hora
- Sep 10
- 1 min read
iMINDSPH

Itinalaga ni BARMM Interim Chief Minister Abdulraof Macacua si Bangsamoro Transition Authority (BTA) Member of Parliament Tomanda Antok, bilang Special Assistant to the Minister ng Interior and Local Government (MILG) upang higit pang patatagin ang pamumuno at paghahatid ng serbisyo sa mga LGU sa rehiyon.
Ang pagkakatalaga kay MP Tomanda Antok ay alinsunod sa Executive Order No. 002, s. 2025.
Layunin ng hakbang na tiyakin ang tuloy-tuloy na operasyon, mas maayos na koordinasyon, at mas mahusay na suporta sa mga programa ng MILG.
Ayon kay Chief Minister Macacua, ang hakbang na ito ay nagpapakita ng pangako ng pamahalaang Bangsamoro sa moral governance at sa pagpapalakas ng lokal na pamamahala.
Bago naging Member of Parliament si MP Antok, nagsilbi itong Provincial Administrator ng Maguindanao del Norte at Project Manager ng Project TABANG, na naghatid ng direktang tulong sa Bangsamoro.
Sa kanyang bagong tungkulin, tutulong siya sa pagbibigay ng policy support, koordinasyon, at pangangasiwa ng mga proyekto ng MILG para sa mas responsive at organisadong pamamahala sa lokal na antas, kasabay ng pagpapatupad ng 12-Point Priority Agenda ng pamahalaang Bangsamoro.



Comments