top of page

MSSD BARMM, nagcourtesy visit kay Basilan Governor Mujiv Hataman; Usaping empowerment at hindi lang ayuda, tinalakay sa pulong

  • Diane Hora
  • Oct 24
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Sa pangunguna ng mga kinatawan mula sa Regional Program Management Office ng Sustainable Livelihood Program, nagcourtesy visit ang Ministry of Social Services and Development kay Basilan Governor Mujiv Hataman kung saan kanilang tinalakay sa pulong ang nalalapit na payout para sa 483 na benepisyaryo mula sa mga bayan ng Sumisip, Lantawan, Ungkaya Pukan, Tipo-Tipo, Al-Barka at Lamitan City.

Layunin ng programa na palakasin ang kabuhayan ng mga pamilya sa probinsya at mahikayat ang pangmatagalang self-sufficiency sa komunidad.

Binigyang-diin ni Governor Hataman na ang mga livelihood program ay hindi dapat matapos sa pamamahagi ng ayuda, kundi dapat patuloy na masubaybayan at masuportahan upang masiguro ang tagumpay ng bawat benepisyaryo.

Aniya, kailangang mas mataas pa sa 60% success rate ang kanilang livelihood projects.

Isa rin sa mga pangunahing layunin ng pagpupulong ang mas matibay na koordinasyon sa pagitan ng provincial government ng Basilan at ng BARMM ministries upang mas maayos at epektibong maihatid ang mga programang pangkabuhayan at panlipunan sa mga tunay na nangangailangan.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page