MTIT Minister Farserina Ajijul Mohammad at BARMM ICM Abdulraof Macacua, nagpulong upang i-ayon ang mga prayoridad at direksyon ng pamahalaan para sa mas pinalakas na ekonomiya ng rehiyon
- LERIO BOMPAT
- Dec 30, 2025
- 1 min read
iMINDSPH

Sa pulong na ginanap sa Cotabato City, tinalakay ng dalawang opisyal ang mga programa at inisyatiba ng MTIT na layong paigtingin ang kalakalan, pamumuhunan, at turismo sa Bangsamoro—mga sektor na itinuturing na susi sa pangmatagalang kaunlaran at katatagan ng rehiyon.
Inatasan ni Chief Minister Macacua si Minister Mohammad na pabilisin ang pagpapatupad ng mga programang may agarang benepisyo para sa mga Bangsamoro, partikular sa paglikha ng trabaho, pagpapalakas ng lokal na negosyo, at pagpapalawak ng mga oportunidad sa mga komunidad.
Ayon kay Macacua, mahalaga ang malinaw na pamumuno at sama-samang pagkilos ng mga ahensya ng pamahalaan upang mapangalagaan ang mga bunga ng peace process at maisalin ang kapayapaan sa konkretong kaunlarang nararamdaman ng mamamayan.
Binigyang-diin din niya na ang pagpapaigting ng mga programang pang-ekonomiya ay mahalagang bahagi ng hangarin ng pamahalaan na makamit ang isang #MasMatatagNaBangsamoro, kung saan ang kapayapaan ay sinasabayan ng trabaho, negosyo, at maayos na kabuhayan.
Nagtapos ang pulong sa panawagan ng kooperasyon at pasasalamat ni Chief Minister Macacua sa MTIT sa patuloy na suporta nito sa mga programang pangkaunlaran ng Bangsamoro.



Comments